Ano ang California Voter Choice Act at paano nito babaguhin ang paraan ng aking pagboto?

Pundamental na binabago ng California Voter Choice Act ang mga halalan patungo sa isang Modelong Lubos na Ipinakokoreong Balota at mga Sentro ng Pagboto. Pinirmahan ni Gobernador ng California Jerry Brown ang napakahalagang batas na ito noong ika-29 ng Setyembre, 2016.

Sa ilalim ng batas na ito, LAHAT ng nakarehistrong botante ay tatanggap sa koreo ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 29 araw bago ang Araw ng Halalan, nakarehistro man kayo o hindi bilang botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.

Higit sa 200 tradisyunal na mga lugar ng botohan sa buong county ang papalitan ng 45 na Sentro ng Pagboto, kasama ng 24 na Lokasyon ng Hulugan ng Balota.

Bilang karagdagan sa pagbabalik ng kanilang minarkahang balota sa pamamagitan ng koreo, ang mga botante ay maaari ring pumunta sa ALINMANG Sentro ng Pagboto upang ipatala ang kanilang balota nang personal, sa papel o sa paggamit ng isang kagamitang pangmarka ng balota. Maaari ring dalhin ninyo ang inyong balota sa ALINMANG Sentro ng Pagboto, Lokasyong Hulugan ng Balota, o sa alinmang kalahok na City Hall sa county.

Kailan ang unang halalan na isasagawa ng County ng San Mateo sa ilalim ng modelo ng pagboto ng California Voter Choice Act?

Ang County ng San Mateo County ay pinili ng Lehislatura ng Estado bilang isa sa 14 na sinusubukang county sa estado na awtorisadong magsagawa ng mga halalan sa ilalim ng California Voter Choice Act simula sa ika-1 ng Enero, 2018.

Noong Setyembre 12, 2017, ang Lupon ng mga Superbisor ng County ng San Mateo ay nagbigay ng awtorisasyon sa Punong Opisyal ng mga Halalan upang isagawa ang Hunyo 5, 2018 na Pambuong Estadong Primaryang Halalan bilang unang halalan na isasagawa sa ilalim ng California Voter Choice Act.

Sa hinaharap ba ay isasagawa ang lahat ng halalan sa County ng San Mateo sa ilalim nitong bagong modelo?

Ang bagong modelong ito ay makakaapekto sa lahat ng palagiang nakatakdang halalan. Ang mga espesyal na halalan na nagaganap sa ibang mga petsa ay maaaring patakbuhin sa ibang paraan depende sa kahilingan ng hurisdiksyon na tumatawag ng halalan.

Anu-anong mga serbisyo ang ipagkakaloob sa mga botanteng may kapansanan?

Ang County ng San Mateo ay nakalaang tumugon sa pangangailangan ng komunidad ng may kapansanan sa bawat aspekto ng isang halalan, mula sa edukasyon sa botante hanggang sa mga opsyon na madaling pagboto. Ang Halimbawang Balota at Opisyal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ay ipinagkakaloob sa isang anyo na madaling makuha, katugma ng screen reader. Ang bawat Sentro ng Pagboto ay magkakaroon ng maraming madaling magamit ng istasyon ng pagboto at mga tauhang may iba’t ibang wika upang tumulong sa Ingles, Espanyol, Tsino, Filipino, Hapon o Hindi. Ang mga masasangguning balota ay ipapakoreo rin sa mga botanteng humiling ng wika at ang presinto ay tumatanggap ng katayuan ng masasangguning balota.

Ang mga botanteng may kapansanan ay makakaboto rin nang pribado at independiyente sa pamamagitan ng aming sistema ng Accessible Vote by Mail (AVBM). Magagawa ng mga Botante ng AVBM na markahan ang isang elektronikong balota sa isang anyo na nagagamitan ng screen reader at saka ililimbag at ibabalik ang kanilang balota sa isang sobreng bayad na ang selyo.

Anu-anong mga serbisyo ang ipagkakaloob sa mga botanteng ang gustong wika ay iba sa Ingles?

Lahat ng impormasyon na ipinagkakaloob sa Ingles, kabilang ang mga opisyal na balota, ay makukuha rin sa Espanyol at Tsino, gaya ng iniaatas ng Seksyon 203 ng U.S. Voting Rights Act. Bilang karagdagan, ang mga masasangguning balota sa Filipino, Hapon at Hindi ay ipapakita sa lahat ng Sentro ng Pagboto, gaya ng iniaatas ng Seksyon 14201 ng Kodigo ng Halalan. Ang mga tauhan na may dalawang wika ay nakahanda ring maglingkod sa lahat ng Sentro ng Pagboto. Ang mga masasangguning balota ay ipapakoreo rin sa mga botanteng humiling ng wika at ang presinto ay tumatanggap ng katayuan ng masasangguning balota.

Mga Sentro ng Pagboto

Ano ang Sentro ng Pagboto?

Ang mga Sentro ng Pagboto ay may anyo at pakiramdam na tulad ng mga lugar ng botohan, pero nagkakaloob ng mga karagdagang serbisyo at opsyon para sa mga botante. Makakabisita kayo sa alinmang Sentro ng Pagboto sa County ng San Mateo upang:

  • Magparehistro para makaboto o isapanahon ang impormasyon sa pagpaparehistro hanggang Araw ng Halalan
  • Gumamit ng madaling makuhang mga makina sa pagboto
  • Kumuha ng mga materyal sa halalan sa iba’t ibang wika at tumanggap ng suporta sa halalan mula sa mga tauhan na nagsasalita ng Ingles, Espanyol, Tsino, Filipino, Hapon o Hindi. Ang mga tauhan na nagsasalita ng ibang mga wika ay makokontak lamang sa pamamagitan ng telepono sa ilang lokasyon.
  • Ipatala ang inyong balota
  • Tumanggap ng isang pamalit na balota
  • Bumoto nang personal sa isang papel na balota

Paano pinipili ang mga Lokasyon ng mga Sentro ng Pagboto at Kahong Hulugan ng Balota?

Ang California Voter Choice Act ay nag-aatas sa county na magkaloob ng hindi bababa sa isang Sentro ng Pagboto para sa bawat 50,000 botante simula sa 10 araw bago ang Araw ng Halalan at isang Sentro ng Pagboto para sa bawat 10,000 botante simula sa 3 araw bago ang Araw ng Halalan.

Ang batas ay nag-aatas din sa county na magtatag ng isa o higit na Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota para sa bawat 15,000 botante simula sa 28 araw bago ang Araw ng Halalan.

Ayon sa batas ang mga Sentro ng Pagboto ay kailangang madaling magamit ng mga botanteng may kapansanan. Ang pareho ng mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota at ng mga Sentro ng Pagboto ay kailangang malapit sa pampublikong transportasyon. Pinipili ng Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ang mga Lokasyon ng mga Sentro ng Pagboto at Kahong Hulugan ng Balota batay sa komento ng publiko sa pamamagitan ng mga pampublikong pulong at mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Ano ang mga araw at oras ng pagpapatakbo ng mga Sentro ng Pagboto?

Mayroon kaming maraming Sentro ng Pagboto upang umangkop sa inyong schedule. Alin ang pinakamabisa para sa inyo?

Bilang ng mga Sentro ng Pagboto

Mga Araw ng Pagpapatakbo

Oras ng Pagpapatakbo

Tatlong Sentro ng Pagboto

29 na araw bago ang Araw ng Halalan

Lunes hanggang Biyernes
Dalawang Sabado at Lingo bago ang Araw ng Halalan

(Hindi bababa sa walong oras kada araw)

Walong Sentro ng Pagboto

Sampung araw bago ang Araw ng Halalan

Lunes hanggang Biyernes
Dalawang Sabado at Lingo bago ang Araw ng Halalan

(Hindi bababa sa walong oras kada araw)

LAHAT ng 39 na Sentro ng Pagboto

Tatlong araw bago at sa Araw ng Halalan

Tatlong araw bago ang Araw ng Halalan

(Hindi bababa sa walong oras kada araw)

Araw ng Halalan

 (7 a.m. to 8 p.m.)

Saan ko makikita ang mga address ng mga Sentro ng Pagboto at mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota?

Ang mga address ng Sentro ng Pagboto at mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota ay ilalathala sa Halimbawang Balota at Opisyal na Pamplet ng impormasyon para sa Botante. Ang mga ito ay ipapakoreo sa inyo simula sa 40 araw bago ang Araw ng Halalan. Ang impormasyon ay makukuha rin online sa website na ito.

Nakatira ako sa Redwood City at gusto kong bumoto nang personal, kailangan ko bang pumunta sa isang Sentro ng Pagboto sa Redwood City?

Hindi, maaari kayong bumoto sa alimang Sentro ng Pagboto sa county bago ang o sa Araw ng Halalan. Sa ilalim ng California Voter Choice Act, lahat ng Sentro ng Pagboto ay magagamit para sa lahat ng presinto.

Maraming taon nang pumupunta ako sa lugar ng botohan sa aking kapitbahayan, makakaboto pa ba rin ako sa aking dating lugar ng botohan sa Araw ng Halalan?

Hindi, maliban kung ang inyong dating lugar ng botohan ay isa ring Sentro ng Pagboto.

Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

Anu-ano ang mga benepisyo ng pagsasagawa ng Hunyo 5, 2018 na Pambuong Estadong Tuwirang Primaryang Halalan bilang Halalan na Lahat ay Balotang Pangkoreo at mga Sentro ng Pagboto?

Maraming benepisyo sa programang ito, para sa pareho ng mga botante at mga hurisdiksyon.

  1. Nadagdagang Ginhawa ng Botante - Lahat ng botante ay padadalhan ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 20 araw bago ang Araw ng Halalan. Maaaring ibalik ng mga botante ang kanilang balota sa pamamagitan ng koreo o dalhin ito sa mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota sa buong County. Maaari ring ipatala ng mga botante ang kanilang balota nang personal bago ang Araw ng Halalan sa alinman sa ating 39 na mga Sentro ng Pagboto.

  2. Pinahusay na mga Serbisyo sa Botante - Ang tradisyunal na mga lugar ng botohan sa Araw ng Halalan ay pinapalitan ng California Voter Choice Act ng mga Sentro ng Pagboto kung saan maaaring personal na ipatala ng mga botante ang isang balota. Ang mga Sentro ng Pagboto ay nagpapahintulot sa mga botante na magparehistro para makaboto, lutasin ang mga problema sa pagpaparehistro o balota, at bumoto sa madaling magamit na mga makina sa pagboto.

  3. Tumaas na Paglahok ng Botante - Ang County ng San Mateo ay nagkaroon ng 4% na pagtaas sa paglahok ng botante sa Lubos na Ipinakokoreong Balota na Halalan nito noong 2015. Nagdaragdag sa trend na ito at nagtataas ng bilang ng mga lokasyon ng kahong hulugan ng balota at mga Sentro ng Pagboto, ang pagtaas ng paglahok ng botante ay inaasahan sa mga halalan sa hinaharap.

  4. Pagbawas sa mga Pansamantalang Balota - Salamat sa tunay na oras na paggamit sa pambuong-county na mga file ng pagpaparehistro ng botante mula sa mga Sentro ng Pagboto, ang mga tanong tungkol sa pagiging karapat-dapat ng botante ay matutukoy at malulutas agad, na nagbabawas nang malaki sa pansamantalang pagboto. Ang pagbawas sa mga pansamantalang balota ay magbabawas ng panahong kailangan para sa pagbilang ng boto (tabulasyon at beripikasyon). Ang mga di-opisyal na resulta sa gabi ng halalan ay ilalabas nang mas mabilis, dahil magkakaroon ng mas kaunting lokasyon (Mga Sentro ng Pagboto) upang maghatid ng mga balota sa opisina ng Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan sa gabi ng halalan.

Kailan ko matatanggap sa koreo ang aking balota?

Ang mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo ay ipapadala 29 na araw bago ang Araw ng Halalan. Kung hindi ninyo natanggap ang inyong balota sa loob ng 10 araw ng kalendaryo, dapat ninyong kontakin ang aming opisina sa pamamagitan ng telepono sa 650.312.5222 o sa pamamagitan ng email sa registrar@smcacre.gov. O basta bumoto nang personal sa isang Sentro ng Pagboto.

Kailangan ko bang magbayad ng selyo upang ibalik ang aking balota sa pamamagitan ng koreo?

Hindi, lahat ng balota ng Pagboto sa Pamamagitan nt Koreo ay ipapadala na may kasamang sobre ng pagbabalik na bayad na ang selyo.

Kailan ko dapat ipadala ang aking balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo para ito ay mapasama sa pagbilang?

Inirerekomenda namin na ipadala ninyo ang inyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na nasa sobre ng pagbabalik na bayad na ang selyo sa pinakamaagang panahon na magagawa. Ito ay dapat matatakan ng koreo sa o bago ang Araw ng Halalan at matanggap ng aming opisina sa loob ng tatlong araw pagkaraan ng Araw ng Halalan.

Nauunawaan ko na awtomatiko akong tatanggap ng isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng koreo, pero dapat ba akong bumoto sa pamamgitan ng koreo?

Hindi, makakaboto ka pa rin nang personal sa alinmang Sentro ng Pagboto bago ang o sa Araw ng Halalan.

Gagawa ba ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng anumang pakikipag-ugnayan sa mga botanteng hindi karaniwang bumoboto sa pamamagitan ng koreo?

Oo, napakahalagang magsagawa ang aming opisina ng matinding kampanya sa media at ibang pakikipag-ugnayan. Kung hindi kayo karaniwang bumoboto sa pamamagitan ng koreo, kayo ay bibigyan ng abiso na tatanggap kayo ng isang balotang pangkoreo sa Abril. Ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ay makikipag-ugnayan sa mga botante nang maraming beses bago ang at sa panahon ng pagboto upang masiguro na alam ng mga botante na ang halalan ay isasagawa bilang isang Halalan na Lahat ay Balotang Pangkoreo at sa mga Sentro ng Pagboto. Ang mga pagpapakoreong ito ay isang karagdagang paraan upang makakuha ang aming opisina ng mga isinapanahong address mula sa sa mga botante ng county.

Ang aming opisina ay makikipagtulungan din sa iba't ibang grupong pangkomunidad at gagamit ng magkakaibang plataporma ng media upang ikalat ang mensahe. Kabilang dito ang telebisyon, radyo at mga dyaryo alinsunod sa nangingibabaw na mga gustong wika ng ating mga botante (Ingles, Espanyo at Tsino). Gagamit kami ng social media, mga billboard at mga aktibidad ng pakikipag-ugnayan sa botante sa buong county upang bigyan ng kaalaman ang ating mga botante.

Di ba ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay inilaaan para sa mga kabataan?

Hindi, ang totoo, sa buong county, 67% ng mga botante ay permanenteng nakarehistro para makaboto sa pamamagitan ng koreo. Karamihan ng mga botante sa bawat grupo ng edad ay nakarehistro para makaboto sa pamamagitan ng koreo. Ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay mas madaling magagamit ng mga taong hindi nakakapagmaneho.

Ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay pumapabor ba sa isang partidong pampulitika?

Hindi, sa County ng San Mateo, 59% ng mga taong nakarehistro sa Partidong Demokratiko ay permaneneng botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo at 61% ng mga taong nakarehistro sa Partidong Republikano ay mga permanenteng botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo. 55% ng mga botanteng ipinakikilala ang mga sarili bilang Walang Kinakatigang Partido ay nakarehistro bilang mga permanenteng botante ng pagboto sa pamamagitan ng koreo. Sa County ng San Mateo, ang pagboto sa pamamagitan ng koreo ay hindi kumikiling sa alinmang partido.

Mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota

Paano pinipili ang mga Lokasyon ng mga Sentro ng Pagboto at Kahong Hulugan ng Balota?

Ang California Voter Choice Act ay nag-aatas sa county na magkaloob ng hindi bababa sa isang Sentro ng Pagboto para sa bawat 50,000 botante simula sa 10 araw bago ang Araw ng Halalan at isang Sentro ng Pagboto para sa bawat 10,000 botante simula sa 3 araw bago ang Araw ng Halalan.

Ang batas ay nag-aatas din sa county na magtatag ng isa o higit na Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota para sa bawat 15,000 botante simula sa 28 araw bago ang Araw ng Halalan.

Ayon sa batas ang mga Sentro ng Pagboto ay kailangang madaling magamit ng mga botanteng may kapansanan. Ang pareho ng mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota at ng mga Sentro ng Pagboto ay kailangang malapit sa pampublikong transportasyon. Pinipili ng Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ang mga Lokasyon ng mga Sentro ng Pagboto at Kahong Hulugan ng Balota batay sa komento ng publiko sa pamamagitan ng mga pampublikong pulong at mga pagsisikap sa pakikipag-ugnayan sa komunidad.

Kailan magagamit ang mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota?

Ang mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota ay mananatiling bukas 28 araw bago ang Araw ng Halalan.

Saan ko maaaring dalhin ang aking minarkahang balota?

  • Mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota
  • Mga Sentro ng Pagboto
  • Mga Kalahok na City Hall

Saan ko makikita ang mga address ng mga Sentro ng Pagboto at mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota?

Ang mga address ng Sentro ng Pagboto at mga Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota ay ilalathala sa Sample na Balota at Opisyal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante. Ang mga ito ay ipapakoreo sa inyo simula sa 40 araw bago ang Araw ng Halalan. Ang impormasyon ay makukuha rin online sa website na ito.