Saan ako pupunta para bumoto?

Maaari kayong bumoto nang maginhawa sa inyong bahay. LAHAT ng mga nakarehistrong botante ay padadalhan sa koreo ng isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 29 na araw bago ang Araw ng Halalan. Maaari ninyong kumpletuhin ang balota at ibalik sa pamamagitan ng koreo sa kasamang sobreng bayad na ang selyo.

Kung gusto ninyong bumoto nang personal, ang mga Sentro ng Pagboto ay mananatiling bukas sa buong County ng San Mateo simula sa 29 na araw bago ang Halalan. Makakatagpo kayo ng mga lokasyon ng Sentro ng Pagboto sa likod ng inyong Halimbawang Balota at Pamplet ng Impormasyon para sa Botante o online dito. Ang mga nakarehistrong botante ay maaaring bumoto sa alinmang Sentro ng Pagboto ng County ng San Mateo, humiling ng isang pamalit na balota o dalhin ang kanilang binotohang balota. Ang mga Kinatawan ng Sentro ng Pagboto ay nakahandang tumulong sa mga botanteng humihingi ng tulong.

Kailan bubuksan para sa pagboto ang mga Sentro ng Pagboto?

Ang mga Sentro ng Pagboto ay bubuksan sa buong County ng San Mateo simula sa 29 na araw bago ang Halalan. 

Makakatagpo kayo ng mga lokasyon ng Sentro ng Pagboto sa likod ng inyong Halimbawang Balota at Pamplet ng Impormasyon para sa Botante. Ang mga Sentro ng Pagboto ay bukas ng 7 a.m. hanggang 8 p.m. sa Araw ng Halalan. Ayon sa batas, kayo ay may karapatang bumoto sa Sentro ng Pagboto bago magsara ang mga lugar ng botohan.

Bakit pinalitan ang aking Sentro ng Pagboto?

Sa California, walang permanenteng mga Sentro ng Pagboto, Ang mga lokasyon ay maaaring magbago sa bawat halalan. Kung minsan ang isang pasilidad na dating ginamit ay maaaring hindi na magagamit para sa isang partikular na halalan. Ang mga pagbabago sa mga hangganan ng presinto ay maaaring mangyari paminsan-minsan kapag ang mga presinto ay pinag-isa o inayos, lalo na sa mga lokal na halalan na hindi para sa buong estado.

Dapat na laging sumangguni ang mga botante sa kanilang librito ng Halimbawang Balota o pumunta online sa mga Sentro ng Pagboto at mga Lokasyon ng Kahong Hulugan upang mahanap ang mga lokasyon ng isang Sentro ng Pagboto bago pumunta sa mga lugar ng botohan upang bumoto.

Maaari ko bang dalhin ang aking Halimbawang Balota o ang aking sariling nakasulat na piniling iboto sa loob ng kubol ng pagboto?

Oo. Inirerekomenda na markahan ninyo ang inyong mga piniling iboto sa inyong Halimbawang balota at dalhin ito sa Sentro ng Pagboto para sa maagang pagboto o sa Araw ng Halalan. Maaari kayong sumangguni sa inyong Halimbawang Balota upang gawin ang inyong mga pagpili. Tandaan na dalhin palabas ang inyong Halimbawang Balota pagkatapos ninyong makumpleto ang pagboto.

Kung hindi ko alam ang dapat gawin pagdating sa Sentro ng Pagboto, may tutulong ba sa akin?

Oo. Hilingin sa mga Kinatawan ng Sentro ng Pagboto na tulungan kayo sa proseso ng pagboto. Gayunpaman, ang mga Kinatawan ng Sentro ng Pagboto ay hindi maaring tumulong sa inyo sa paggawa ng mga desisyon sa mga pagpili ng iboboto.

Limitado ang kakayahan kong magsalita ng English, mayroon bang pabigkas na tulong o nakasulat na mga materyal sa pagboto sa mga wikang iba sa English?

Oo. Alinsunod sa pederal na batas, ang County ng San Mateo ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa pagpaparehistro ng botante, mga materyal sa halalan at pabigkas na tulong sa Ingles, Espanyol, at Tsino. Dagdag pa rito, ang mga Sentro ng Pagboto na natukoy bilang nangangailangan ng pabigkas na tulong sa wika ay nilalagyan ng mga Kinatawan ng Sentro ng Pagboto na nagsasalita ng dalawang wika tuwing magagawa. Ang mga tanda ay nakapaskil sa mga lokasyong iyon na tumutukoy sa sinasalitang minoryang mga wika.

Bawat Sentro ng Pagboto ay magtataglay ng mga balota sa Ingles, Espanyol, at Tsino gayon din ng isang sangguniang balota sa Burmese, Filipino, Hindi, Hapon, at Koreano para sa mga partikular na presinto.

Makakaboto ba ako para sa isang tao na ang pangalan ay hindi nakalista sa balota?

Oo. Maaari kayong bumoto para sa isang isinusulat-lamang na kandidato na ang pangalan ay hindi nakalimbag o ipinakikita sa balota. Ang mga boto lamang para sa kwalipikadong isinusulat-lamang na mga kandidato ang isasama sa pagbilang. Magtanong sa mga Kinatawan ng Sentro ng Pagboto o tawagan ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng Santa Mateo sa 650.312.5222 upang makahingi ng listahan ng kwalipikadong isinusulat-lamang na mga kandidato. Ang mga Opisyal ng Halalan ay makakatulong sa inyo sa mga pamamaraan ng pagboto sa isinusulat-lamang. 

Kung ang isang kandidatong ibinoto ko ay ayaw nang ituloy ang kandidatura, maaari ba akong magpalit ng boto o muling bumoto para sa ibang kandidato?

Hindi. Sa sandaling kayo ay bumoto (ipinatala ang inyong balota), hindi na kayo maaaring magpalit ng inyong boto o muling bumoto kahit ang isang kandidato ay umurong bago ang Araw ng Halalan. 

Bakit hindi ko makita ang aking konseho ng lungsod/distrito ng paaralan sa aking balota?

Ang kapaligiran ng halalan sa County ng San Mateo ay nagbabago. Karamihan ng mga nakatakdang halalan ay hindi na magaganap sa mga kakaibang numero na taon simula sa 2017. Ang Panukalang-batas Blg. 415 (SB 415), kilala rin bilang California Voter Participation Rights Act, ay nag-uutos sa mga hurisdiksyon na may mga halalan sa taon na hindi pares ang numero na lumipat sa mga halalan sa taon na pares ang numero bago lumampas ang Nobyembre 2022 kung ang paglahok ng botante ay pumatak na mas mababa kaysa hangganan ng itinatag ng batas. Ang bagong batas ay naglalayong itaas ang paglahok ng botante at bawasan ang mga gastos sa mga lokal na halalan dahil ang mga halalan sa taon na pares ang numero ay may mas mataas na paglahok ng botante. Ang karagdagang impormasyon ay matatagpuan sa Senate Bill 415: Elections Moving from Odd to Even Years.

Kailangan kong magtrabaho at dahil dito ay walang oras para bumoto, ano ang dapat kong gawin?

Alinsunod sa Kodigo ng mga Halalan sa California, ang mga empleyado ay karapat-dapat bayaran kahit hindi nagtrabaho para sa layunin ng pagboto lamang kung sila ay walang sapat na oras sa labas ng mga oras ng trabaho upang makaboto. Ang mga empleyado ay maaaring bigyan ng pinakamaraming oras na kailangan nila upang makaboto, pero ang pinakamataas na dalawang oras lamang ang babayaran. Panghalili, lahat ng mga nakarehistrong botante ay tatanggap ng isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo. Ang mga balota ay maaaring ipadala sa pamamagitan ng koreo, dalhin sa alinmang Sentro ng Pagboto, gayon din sa mga lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota.

Paano ako dapat bumoto kung hindi ako makapunta sa isang Sentro ng Pagboto?

LAHAT ng mga nakarehistrong botante ay padadalhan ng isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo simula sa 29 na araw bago ang Araw ng Halalan. Maaari ninyong kumpletuhin ang balota at ibalik ito sa pamamagitan ng koreo sa isinamang sobreng bayad na ang selyo. Maaari rin ninyong kumpletuhin ang balota sa ALINMANG Sentro ng Pagboto o Lokasyon ng Kahong Hulugan ng Balota.

Paki-tandaan – walang online na pagboto. 

Kung hindi ninyo natanggap ang inyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo bago lumampas ang 20 araw bago ang halalan, makipag-ugnayan sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan sa pamamagitan ng text o tumawag sa 650.312.5222 upang humiling ng isa pang balota.  Maaari rin kayong magpadala ng email sa registrar@smcacre.gov.