Dapat kayong muling magparehistro para makaboto kung kayo ay:

  • nagpalit ng inyong pangalan
  • nagpalit ng inyong address
  • gustong palitan ang inyong kinasasapiang (partidong) pampulitika

Maaari kayong makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa isang partidong pampulitika sa Index ng Partidong Pampulitika. Maaari kayong makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga partidong pampulitika sa pamamagitan nitong madaling masasangguning gabay.

Kung kailangan ninyo ng higit pang tulong sa pagkumpleto ng Form ng Pagpaparehistro ng Botante, mangyaring tawagan ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa 650.312.5222. Maaari rin kayong makakuha ng tulong mula sa opisina ng Kalihim ng Estado sa mga wikang nakalista sa ibaba sa pamamagitan ng pagtawag sa mga walang-bayad na numero:

Tsino       800.339.2857
Hapon     800.339.2865
Español   800.232.8682
Filipino    800.339.2957