Maaari kayong online na magparehistro para makaboto o baguhin ang inyong impormasyon sa pagpaparehistro. Kayo ay papupuntahin sa website ng Kalihim ng Estado kung saan kayo ay sasabihan na ipasok ang inyong personal na impormasyon at ibigay ang numero ng inyong driver’s license at ang huling apat na numero ang inyong Social Security number.

Ang website ng Kalihim ng Estado ay para rin sa mga botanteng gustong i-update ang kanilang impormasyon sa pagpaparehistro na tulad ng bagong address, bagong pangalan, pagbabago ng partido, katayuan bilang Permanenteng botante ng Balotang Pangkoreo o ibang impormasyon. Ang muling pagpaparehistro sa website ay hindi lilikha ng duplikadong pagpaparehistro. 

Tandaan: Mangyaring siguruhin na ang lahat ng field ay sinasagutan nang tama. Mangyaring magbigay ng 48 na oras o higit pa upang maproseso ang inyong aplikasyon.