May mga pagkakataon ba kung saan ang isang botante ay maaaring atasang gumawa ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo?

Kung ang isang lungsod o distrito ay pumiling magkaroon ng isang espesyal na halalan, ito ay makakapiling ganapin ito sa pamamagitan ng koreo. Ang opisina ng Pagpaparehistro at mga Halalan sa 40 Tower Road sa San Mateo ay maglilingkod bilang isang Sentro ng Pagboto para sa mga nais bumoto nang personal, nangangailangan ng isang pamalit na balota, gusto ng tulong sa wika o gumamit ng aming madaling gamiting Tablet ng Pagmarka ng Balota.

Paano ako makakapag-apply upang magtrabaho sa isang Sentro ng Pagboto?

Kumpletuhin ang online application form para sa Kinatawan ng Sentro ng Pagboto.

Ano ang dapat kong gawin kung lilipat ako bago ang halalan?

Kung kayo ay lilipat sa loob ng County ng San Mateo 14 na araw o mas mababa bago ang halalan, pumunta sa alinmang Sentro ng Pagboto upang isapanahon ang inyong lokal na address sa inyong check-in form at bumoto.

Ako ay may kapansanan/pisikal na nahahamon. May tulong ba para sa akin?

Ang ating sistema ng pagboto ay sumusunod sa Help America Vote Act (HAVA). Ito ay may mga audio headphone, nakaangat na mga key na tatak ng braille at pang-agapang mga kagamitan na nagkakaloob ng malalaking nahahawakang pindutan para sa mga isyu sa pagkilos gayon din ng kakayahan ng sip-and-puff. Kami ay nagkakaloob din ng pagboto sa curbside kung hindi kayo makapasok sa lugar ng botohan. Ang isang Kinatawan ng Sentro ng Pagboto ay maaaring bumuo ng isang istasyon ng pagboto sa labas o magdala ng papel na balota sa inyong sasakyan upang makaya ninyong bumoto.

Ang mga botanteng nais na ang isang kopya ng Halimbawang Balota at Opisyal Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ay ibigay sa kanila sa isang audio format bago ang halalan ay maaaring makipag-ugnay sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa pamamagitan ng telepono o text sa 650.312.5222 at humingi ng tulong.

Kung gusto ng isang botante na bumoto sa bahay, magagamit nila ang isang balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo o ang aming Magagamit sa Malayo na Sistema ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.

Noong 2017, sinimulan ng County ng San Mateo ang isang nakabase-sa-bahay na madaling magamit na sistema na nagpapahintulot sa mga botanteng may kapansanan na bumoto nang pribado at independiyente sa pamamagitan ng pag-access at pagmarka sa isang elektronikong balota sa isang mababasa sa screen na format sa alinmang computer. Ang gagawin ng mga botanteng gumagamit ng sistemang ito ay mag-log in online, markahan ang kanilang mga pinili at saka i-print ang balota. Ang balota ay kakailanganing ibalik sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan.

Gusto kong kumandidato. Anu-ano ang mga kwalipikasyon at kinakailangan?

Ang mga kwalipikasyon ng kandidato at mga kinakailangan sa paghaharap ay ispesipiko sa bawat inihahalal na katungkulan. Para sa pangkalahatang impormasyon tungkol sa mga kwalipikasyon, mga kinakailangan sa paghaharap, pahayag ng kampanya/pag-uulat ng pananalapi, tumawag sa 650.312.5222 o suriin ang seksyon ng Mga Kandidato at Kampanya ng website na ito. Kung interesado kayo sa pagtakbo para sa isang katungkulan sa Lungsod, dapat kayong makipag-ugnay sa inyong Klerk ng Lungsod para sa karagdagang impormasyon.

Maaari ba akong pumirma ng petisyon kung hindi ako rehistradong botante?

Hindi. Dapat isa kang rehistradong botante para maging wasto ang inyong pirma sa isang petisyon. Kung kukumpletuhin at pipirmahan ninyo ang isang form ng pagpaparehistro ng botante sa mismong araw o araw bago ang pagpirma ng petisyon, magiging wasto ang inyong lagda. Ang kumpleto/pirmadong form ng pagpaparehistro ng botante ay dapat matanggap ng Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan sa o bago ang araw ng pagsampa ng petisyon sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo.

Paano ko malalaman ang aking mga distrito at/o kung sino ang aking mga kinatawan (pangkongreso, lehislatura, pangangasiwa, atbp.)?

Makipag-ugnayan sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa 650.312.5222, piliin ang "Ako ba ay Nakarehistro para Makaboto/Pagtunton sa Balota" sa aming web site, o tingnan ang inyong Halimbawang Balota at Opisyal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante.

Paano ko makukuha ang mga resulta ng halalan?

Kunin ang mga resulta ng halalan online o tawagan ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan sa 650.312.5222. Ang mga resulta sa gabi ng halalan ay inilalathala online kasabay ng paglabas. Ang ang unang resulta ay inilalagay sa oras na 8:10 p.m. at matatagpuan sa aming website. Pagkaraan, ang mga resulta ay inilalathala bawat oras simula sa 9:00 p.m.

Ang mga pagbabago ay inilalagay online sa linggo na kasunod ng halalan. Kabilang sa mga pagsasapanahon na idinaragdag ang: Mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na ibinalik sa mga Kahong Hulugan, mga balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo na natanggap sa pamamagitan ng koreo at sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa Araw ng Halalan at mga karapat-dapat na pansamantalang balota.

Makakatanggap ba ako ng payo tungkol sa kung aling mga kandidato o panukala sa balota ang dapat kong suportahan o salungatin?

Hindi. Ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo ay pinagbabawalang magbigay ng payo sa mga botante tungkol sa kung alin ang dapat iboto ng isang botante.

Gayunman, ang inyong Halimbawang Balota at Opisyal na Pamplet ng Impormasyon para sa Botante ay magtataglay ng mga isinumiteng pahayag, pagsusuri at pangangatwiran na magagamit upang tulungan kayo sa paggawa ng inyong mga desisyon. Maaari rin ninyong suriin (online) ang walang kinikilingang gabay online, Voter’s Edge California sa votersedge.org/ca. Ito ay isang proyekto ng MapLight at ng League of Women Voters of California Education Fund.

Gumagamit ba ang San Mateo ng touch screen voting? Anong uri ng mga makina sa pagboto/teknolohiya ang ginagamit ng County ng San Mateo?

Oo. Ang County ng San Mateo ay gumagamit ng mga Tablet ng Pagmarka sa Balota na may mga touch screen.

Ang mga tablet ay nag-aalay ng napakaraming katangian para sa accessibility, nagbibigay ng kakayahan sa mga tao na bumoto nang pribado at independiyente. Upang makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga Tablet ng Pagmarka ng Balota, mangyaring panoorin ang aming YouTube video.