Ano ang “Nasaan ang Aking Balota?”

“Nasaan ang Aking Balota?” ay isang paraan ng pagtunton sa inyong balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo sa bawat hakbang ng proseso. Maaari kayong magpatala upang tumanggap ng mga mensahe sa text, email o mga tawag sa telepono kung kailan ipinakoreo ang inyong balota, kailan ito natanggap ng tanggapan ng koreo kung ipinakoreo ito pabalik at kailan ito natanggap ng Opisina ng mga Halalan.

Paano ako makakapagpatala para sa “Nasaan ang Aking Balota?”

Maaari kayong magpatala sa pamamagitan ng pag-click sa wheresmyballot.sos.ca.gov. Maaari ring piliin ninyo ang inyong gustong mga paraan ng pakikipag-ugnayan at wika. Pagkatapos ninyong magpatala, tatanggap kayo ng impormasyon tungkol sa inyong balota para sa lahat ng mga halalan na kayo ay karapat-dapat hanggang umalis kayo sa pagkakatala.

Mayroon bang gastos?

Libre ang pagpapatala sa at paggamit ng “Nasaan ang Aking Balota?” Ang mga pangkaraniwang bayad sa text message o boses ay maaaring singilin.

Kailangan ko bang magpatala para sa “Nasaan ang Aking Balota?” upang malaman kung ang aking balota ay natanggap ng Opisina ng mga Halalan?

Hindi ninyo kailangang magpatala para sa “Nasaan ang Aking Balota?” upang malaman na ang inyong balota ay natanggap o tinanggap ng Opisina ng mga Halalan. Maaari kayong pumunta sa "Aking Impormasyon sa Halalan" upang malaman ang katayuan ng inyong balota.

May problema ako sa pag-log in sa “Nasaan ang Aking Balota?”

Upang mag-login sa “Nasaan ang Aking Balota?”, kailangan ninyong gamitin ang eksaktong unang pangalan, apelyido at zip code na ginamit sa pagpaparehistro. Kung mayroon pa ring mga problema, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa registrar@smcacre.gov o 650.312.5222.

May mga karagdagang tanong ako tungkol sa “Nasaan ang Aking Balota?”

Kung kayo ay may mga karagdagang tanong, maaari kayong makipag-ugnayan sa amin sa registrar@smcacre.gov o 650.312.5222.