Maaari kayong magparehistro para makaboto kahit kailan, pero upang maging karapat-dapat bumoto sa halalan sa hinaharap, ang inyong Form ng Pagpaparehistro ng Botante ay dapat isumite online bago lumampas ang hatinggabi at hindi mas huli sa 15 araw bago ang halalan. Kung magpapakoreo kayo ng isang Form ng Pagpaparehistro ng Botante, ito ay dapat matatakan ng koreo nang hindi mas huli sa 15 araw bago ang halalan at dapat matanggap ng Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa Araw ng Halalan.
Mga Iniaatas sa mga Botante
Maaari kayong magparehistro para makaboto kung kayo ay nakakatugon sa lahat ng sumusunod na iniaatas:
- Mamamayan ng United States
- Residente ng California
- Hindi bababa sa 18 taong gulang sa o bago ang Araw ng Halalan
- Hindi kasalukuyang nagsisilbi ng isang sentensiya para sa felony sa pang-estado o pederal na bilangguan
- Hindi pinagbabawalang bumoto ng utos ng hukuman dahil walang kakayahan ang isipan
Sa sandaling matanggap at maproseso ang inyong form ng pagpaparehistro, padadalhan namin kayo ng isang Voter Notification Card sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo na nagpapabatid na kayo ay isa nang nakarehistrong botante. Matitingnan din ninyo online ang pagiging karapat-dapat ninyong bumoto. Kung hindi kayo sigurado sa inyong katayuan sa pagboto, mangyaring tawagan ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo sa 650.312.5222.
Ang mga taong 16 at 17 taong gulang ay maaaring maagang magparehistro para makaboto kung sila ay nakakatugon sa lahat ng mga sumusunod na kinakailangan:
-
Mamamayan ng United States
-
Residente ng California
-
Hindi kasalukuyang nagsisilbi ng isang sentensiya para sa felony sa pang-estado o pederal na bilangguan
-
Hindi pinagbabawalang bumoto ng utos ng hukuman dahil walang kakayahan ang isipan
Ang mga interesadong partido ay tatanggap ng kumpirmasyon kapag ang kanilang aplikasyon para sa maagang pagpaparehistro ay naproseso, o kokontakin kung kailangan ng karagdagang impormasyon upang makumpirma na sila ay karapat-dapat.
Paano at Saan Dapat Magparehistro
Ang pagpaparehistro para makaboto ay ang unang bagay na ginagawa ng bawat mamamayan upang maging karapat-dapat na botante. Sa sandaling mairehistro, maaari ninyong simulan ang pagpapalakas sa ating demokrasya sa pamamagitan ng paglahok sa mga halalan, pagtatrabaho sa mga presinto, at maging ng pagrerehistro ng ibang mga tao upang maging mga botanteng tulad ninyo.
Maaari kayong magparehisro sa pamamagitan ng koreo sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Form ng Pagpaparehistro ng Botante at pagbabalik nito sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan. Ang mga form ay makukuha sa mga pampublikong aklatan, opisina ng lungsod at county, mga opisina ng Department of Motor Vehicles, at mga U.S. Post Office. Bilang karagdagan maaari kayong makakuha ng mga form online. Maaari rin ninyong tawagan ang aming opisina sa 1-888-SMC-VOTE (1-888-762-8683) at padadalhan namin kayo ng isang form sa susunod na araw ng trabaho.
- Upang kumpletuhin ang online na Form ng Pagpaparehistro ng Botante, bisitahin ang Magparehistro para Bumoto. Ang form ay ipapadala sa inyo para pirmahan ninyo.
- Upang personal na makakuha ng form, tingnan ang aming index upang mahanap ang lokasyon na pinakamalapit sa inyo.
Maaari kayong magparehistro kahit kailan; gayunman, upang maging karapat-dapat bumoto sa susunod na halalan, ang tatak ng koreo sa inyong Form ng Pagpaparehistro ng Botante ay dapat mapetsahan 15 araw bago ang halalan.
Tandaan: Kung kayo ay boboto sa unang pagkakataon sa California, kakailanganin ninyong magbigay ng identipikasyon sa Sentro ng Pagboto sa Araw ng Halalan. Ang mga tinatanggap na form ng ID ay kinabibilangan ng isang lisensiya ng driver, pasaporte o ID card ng estudyante. Kung boboto kayo sa pamamagitan ng koreo, kakailanganin ninyong magpadala sa amin ng isang kopya ng inyong ID kasama ang inyong opisyal na balota ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo.
Sa sandaling matanggap at maproseso ang inyong Form ng Pagpaparehistro, padadalhan namin kayo ng isang Voter Notification Card sa loob ng tatlo hanggang apat na linggo na nagpapabatid na kayo ay isa nang nakarehistrong botante.
Mga Payo para sa Pagpaparehistro
Paano dapat kumpletuhin ang Form ng Pagpaparehistro
- Kumpletuhin ang Voter Registration Card gamit ang isang pen na may itim na tinta at ginagamit ang iyong legal na pangalan o kumpletuhin ang online na form ng pagpaparehistro: Magparehistro para Bumoto
-
Kung kayo ay nakatira sa isang apartment, siguruhin na isama ang numero ng apartment sa inyong address
-
Piliin ang inyong gustong wika para sa materyal sa halalan
-
Tandaan na pirmahan ang Voter Registration Card bago ito ipadala sa
-
Maaari kayong makakuha ng karagdagang kaalaman tungkol sa mga partidong pampulitika sumusunod sa na madaling masasangguning gabay
Madaling Gabay sa Botante - Mga Partidong Pampulitika
Kung kailangan ninyo ng higit pang tulong upang makumpleto ang Form ng Pagpaparehistro ng Botante, tawagan ang Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan sa 1-888-SMC-VOTE (1-888-762-8683).
Ang tulong ay makukuha rin mula sa Opisina ng Kalihim ng Estado sa mga wikang nakalista sa ibaba sa pamamagitan ng pagtawag sa mga sumusunod na numero ng telepono:
- Tsino (800) 339-2857
- Hapon (800) 339-2865
- Espanyol (800) 232-8682
- Filipino (800) 339-2957
- Biyetnamis 800) 339-8163
Maaari kayong magparehistro sa pamamagitan ng pagsusumite ng Form sa Pagpaparehistro ng Botante sa Dibisyon ng Pagpaparehistro at mga Halalan ng County ng San Mateo.
Maaari kayong online na magparehistro para makaboto o baguhin ang inyong impormasyon sa pagpaparehistro.
Dapat kayong muling magparehistro para makaboto kung kayo ay: